Advertisers
Tila urong umano ang yagbols ng mga miyembro ng Malolos City PNP diyan sa probinsiya ng Bulacan pagdating sa mga astig at untouchable drug lords ng nasabing lugar.
Partikular na inginuso ng ating impormante ang mga salot na tulak ng illegal drugs sa Barangay San Juan at Barangay Sto. Rosario na mistulang kendi lang magbenta ng shabu at marijuana sa nasabing mga barangays.
Inutil at sadyang walang pakialam umano ang mga barangay officials sa lantarang kalakalan ng droga sa mga barangay na nabanggit.
Tila totoo umano ang mga impormasyon na ilang matataas na opisyal ng Malolos City PNP at ng Bulacan Provincial Police Office diyan sa Camp Alejo Santos ang mga protektor ng drug group na ito.
Sa kabila umano ng umiiral na pandemya ay di natigil sa operasyon ang mga tulak ng Barangay Sto. Rosario at Barangay San Juan na tumatawid pa sa ilang kalapit bayan ng Guiginto, Plaridel, Balagtas, Bocaue at Meycauayan.
Armado umano ang mga tulak na ito ng matataas na kalibre ng baril at lulan kadalasan ng mga motorsiklo.
Nakakapagtaka umano kung paano nakakalusot sa mga checkpoints ng kapulisan ng Bulakan ang mga miyembro ng nasabing drug syndicate.
Ayon pa sa ating source, nagmumula sa Metro Manila ang supply ng droga ng grupong ito samantalang mula naman Baguio at Cordillera ang marijuana na pinapakalat ng sindikato.
Inaalam pa kung sinu-sinong opisyal ng lokal na kapulisan ang mga nagsisilbing patong umano ng grupong ito na naka-base sa Malolos City.
May kasunod…Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com