Advertisers
PATAY ang isang konsehal ng Northern Kabuntalan, Maguindanao na isa sa mga high-value target (HVT) sa listahan ng anti-narcotics operatives sa drug bust operation nitong Linggo, Agosto 16.
Kinilala ang nasawi na si Jaymar Nandang mula sa bayan ng Northern Kabuntalan.
Ayon kay Director Juvenal Azurin, hepe ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA-BARMM), nanlaban sa mga operatiba si Nandang nang hilingin sa kanya na sumuko, matapos makumpirma ang kanyang iligal na aktibidad.
Sa report, naganap ang operasyon 1:40 ng hapon sa Purveyor Subdivision, Barangay Rosary Heights 11 sa Cotabato City.
Nakuha sa posisyon ni Nandang ang nasa 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000, isang caliber .45 pistol, buy-bust mone, at cellphone.
Samantala, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga kamag-anak ng napatay na “tulak”.(PTF team)