Advertisers

Advertisers

Kitkat sobrang pasasalamat sa pagkakaroon ng bagong show

0 365

Advertisers

TINANONG ng isang netizen si Korina Sanchez kung aalis na siya ng ABS-CBN. Sabi nito, “Is that true? Iiwan monapo ang ABS-CBN?”

Diretsahang sagot ng misis ni Mar Roxas, “Nawala na ang prangkisa, eh.”

So base sa sagot ni Korina, iiwan niya na nga ang Kapamilya network na naging pangalawang tahanan niya sa loob ng ilang taon.



May nagtanong naman na isang netizen kung TV5 ba ang napupusuan ni Korina na lilipatan, sagot niya, “Abangan ang susunod na kabanata. Salamat sa pagmamahal.”

Base naman sa naging sagot na ito ni Korina, mukhang sa Kapatid network nga siya lilipat. Kasi, ibinitin pa niya ang sagot niya. Pwede naman niyang sagutin na hindi, kung hindi nga siya lilipat sa TV5, di ba?

Kung sakali ngang maisipan niyang lumipat sa TV5, siguradong tatanggapin siya nito. Sikat naman kasi siyang broadcaster, eh. At siguradong news program ang ibibigay sa kanya.

***

MASAYA kami para sa magaling na komedyanang si Kitkat dahil magkakaroon na siya ng sariling show sa Net 25. Silang dalawa ni Anjo Yllana ang magho-host.



Bukod pa rito, siya mismo ang kakanta ng themesong nito. Sa guesting niya sa show namin sa Kumu nina Mildred Bacud, Roldan Castro, Fernan de Guzman, Rodel Fernando, Boy Romero at ng aming editor sa Police Files TONITE na si Blessie Cirera titled Pito…Iba Ito, ay excited siyang nagkwento tungkol sa kanilang show.

“Masayang-massya ako na magkakaroon na ako ng sarili kong show. Excited na talaga akong mag-start kami. Hindi ko pa alam kung anong oras talaga kami, kung before lunch, o after lunch. Basta abangan na lang nila. Siguradong mag-i-enjoy sila rito sa show namin ni Anjo,” sabi ni Kitkat.

Sobrang nagpapasalamat si Kitkat sa ating Panginoong Hesus.

“Nagdasal ako dati sa Kanya na sana may dumating uli na show sa akin…Ang hiniling ko lang ay pandesal, pero cheeseburger ang ibinigay Niya sa akin. Kaya sobrang salamat talaga kay Lord,” pakli pa ni Kitkat. (Rommel Placente)