Advertisers
DUMATING na sa bansa nitong Lunes ang mahigit 400 Pinoy mula sa Lebanon.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Usec. Sarah Lou Arriola, 11:00 ng gabi nitong Linggo nang umalis sa Rafic Hariri International Airport sa Beirut ang batch ng mga Pinoy at dumating sa bansa 1:25 ng hapon.
Kabilang sa mga iuuwi ang mga labi ng apat na Pinoy na nasawi sa malakas na pagsabog sa Beirut gayundin ang 20 nasugatan sa insidente.
Bukod dito, may isa pang chartered flight mula sa Beirut para sa distressed Filipinos na nais makauwi ng Pilipinas.
Sa ngayon, 1,918 na ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na napauwi mula sa Lebanon.(Jojo Sadiwa)