Advertisers
ISANG dating laundry shop sa Parañaque ang nasunog matapos umanong pagnakawan.
Bukod sa dating laundry shop na ngayon ay isa nang bodega, ilang bahay din ang nadamay sa sunog.
Nang dumating ang may-ari ng bodega na si Maria Lourdes Villaroman sa lugar, napansin agad niyang nawawala ang appliances niya sa bodega gaya ng refrigerator at gas range oven.
“Ninakaw muna yung gamit bago sunugin,” dagdag pa niya.
Kasama ang nasabing anggulo sa mga iniimbestigahan ng mga bumbero.
Bagama’t wala namang naiulat na nasaktan, tinatayang nasa P300,000 ang halaga ng pinsala sa nasabing sunog.(Gaynor Bonilla)