Advertisers
PATAY ang tatlong indibidwal habang 58 ang nagpositibo at 17 ang nakarekober sa COVID-19 sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo.
Sa update ng Provincial Health Office (PHO), 9:45 ng gabi, pumalo na sa 1,212 ang bilang ng aktibong kaso dahil sa 58 na karagdagan.
Pumalo naman sa 832 ang kabuuang nakarekober dahil sa 17 bagong gumaling.
Nasa 62 naman ang namatay dahil sa 3 nasawi sa naturang virus.
Umabot na sa 2,106 ang kabuuang naging kaso sa buong lalawigan.
Mariing pinayuhan ng PHO ang mamamayan na palagiang maghugas ng kamay, magsuot ng facemask at panatilihin ang social distancing. (James de Jesus)