Advertisers
Nanawagan ang Commission on Higher Education (CHED) sa mga Kolehiyo at Pamantasan na i-review ang kanilang kahandaan sa school year opening.
Ito ang sinabi ni CHED chairman Prospero De Vera sa isang panayam kahapon.
Kasunod ito sa paghayag ng CHED hindi kasama ang mga kolehiyo at pamantasan sa pagre-schedule ng DepEd sa pagbubukas ng klase sa Oktubre 5 dahil ang tanging saklaw nito ay basic education.
Nilinaw ni De Vera na kung hindi pa raw handa ang mga colleges at universities ay hindi raw ito problema.
“Kung hindi pa handa ay huwag pilitin dahil kawawa ang mga estudyante,” ani de Vera. (Josephine Patricio)