Advertisers

Advertisers

4 bangkay natagpuan sa nasunog na bahay sa CdeO

0 360

Advertisers

NATAGPUAN ang apat na bangkay sa nasunog na bahay nitong Sabado sa Zone 3, Barangay 22, Cagayan de Oro City.
Kinilala ang bangkay ng apat na miyembro ng pamilya na sina Ador Ayangod, 53; asawa nitong si Juliet; at mga anak na sina Joseph at Ester.
Ayon kay FO3 Jesreel Lasaga, imbestigador ng Cagayan de Oro City Fire District, walang nakapagsabi sa kanila na may naiwang tao sa loob ng bahay nang masunog ito.
“Walang kamag-anak na naghanap sa kanila. Walang nakapagsabi sa amin na may naiwang tao sa loob ng bahay. Ilang araw akong pabalik-balik sa fire scene dahil hinahanap ko nga si Ador, yung may-ari ng bahay. Nakalabas pa kasi siya sabi nung isang kapitbahay niya, bago lumaki ang apoy, pero hindi namin siya mahagilap,” ayon kay Lasaga.
Nang muling balikan ni Lasaga ang fire scene nitong Sabado sa patuloy na pag-iimbestiga, nakatawag pansin sa kaniya ang masangsang na amoy.
“Nangangamoy na. Di sila madaling makita dahil natabunan sila ng mga debris. May dalawang cadaver kami na natagpuan sa ikalawang palapag ng bahay, tapos yung isang bangkay nakadapa nasa kwarto, yung isa naman nakatihaya sa may kitchen area,” paliwanag ni Lasaga.
Ang bayaw ni Ador na si Ryan Tato ang kumilala sa mga bangkay.
Inaalam pa ang sanhi ng sunog na naganap noong nakaraang Miyerkules na umabot sa ikatlong alarma na tumupok sa bahay ng pamilya.
Dahil gawa sa kahoy ang ikalawang palapag ng bahay, mabilis itong tinupok ng apoy.
Nadamay din sa sunog ang katabing bahay na pag-aari ng pamilya ni Ann Bati.
Kapitan ng barko si Ador at kasalukuyang nagpoproseso ng kaniyang mga papeles upang muling makasakay.
Nagtatrabaho naman sa Maritime Insurance ang asawa nitong si Juliet, at pawang mga estudyante ang dalawa nilang anak.(Ace Ramales)