Advertisers

Advertisers

‘MAG-THANK YOU KAYO’ – ISKO

Kapag may nakasalubong o nakitang medical worker:

0 327

Advertisers

“SAKALING may makita o makasalubong kayong medical worker, please, just say thank you.”

Ito ang pakiusap ni Manila Mayor Isko Moreno sa lahat ng residente ng lungsod, dahil ito aniya ang pinakamaliit na bagay na puwedeng gawin ng sinuman upang ipakita ang kanyang pasasalamat sa mga buwis buhay na ginagawa ng mga health workers sa panahon ngayon.

“Pakisuyo sa inyo, pag nakakita kayo ng doktor, nurse, medical practitioner, health workers, just say thank you. Help me show our gratitude to frontliners kahit man lang sa ganun at bilang kapalit sa kanilang sakripisyo,” sabi ni Moreno



Kaugnay nito ay ipinangako ni Moreno na hindi titigil ang pamahalaang lungsod sa pagsuporta sa lahat ng health frontliners sa anumang paraan.

“Mahirap ang katayuan nila (health workers). Gusto ko maliwanagan na tayo, hindi mayor ang kailangan natin para matugunan ang COVID-19. Ang kailangan natin doktor. Kami ay tagapagpatupad lang at taga-gawa ng polisiya pero pag napasok na sa osptital, doktor at nurse na ang kailangan at hindi politiko,” ayon pa kay Moreno

Dinagdag pa nito na: “Whether public or private, pag nakakita kayo ng doktor, just say thank you to show appreciation dahil for the past five month, di pa natulog ng maayos at kumpleto ang medical frontliner natin.”

Ipinagmalaki ni Moreno na mataas ang recovery rate sa Maynila dahil aniya sa dedikasyon ng mga medical workers na ginagantihan naman ng lungsod sa pamamagitan ng pagkuha pa ng mga karagdagang medical professionals.

Ang dahilan sa hakbang na ito ay upang matiyak na ang mga health frontliners sa anim na city-run hospitals ay hindi ma-o-overworked, di tulad ng nakaraang administrasyon kung saan ang mga health workers ay nagtatrabaho ng sobra-sobra sa itinakdang bilang ng oras ng trabaho dahil sa kakulangan ng mga health personnel. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">