Advertisers
KULONG ang isang lalaki na kabilang sa mga nag-uumpukan na walang suot na face mask matapos laitin at balewalain ang payo ng isang policewoman na magsiuwi na sa Malabon City.
Kinilala ang inaresto na si Roel Minerva, 35, ng Sisa St. Barangay Acacia.
Sa ulat, 11:10 ng gabi habang naglalakad pauwi si Pat. Faustine Mae Esquerra, nakatalaga sa Manila Police District (MPD) Logistic Division, nang madaanan niya ang mga nag-uumpukang lalaki sa Sisa St. na pawang walang suot na face mask.
Ayon sa report, nilapitan ni Esquerra ang mga nag-uumpukan at pinayuhang magsiuwi na dahil hindi lamang nila nilalabag ang mga umiiral na ordinansa tulad ng curfew, social distancing at hindi pagsusuot ng face mask kundi nilalagay din nila ang kanilang sarili sa panganib ng COVID-19.
Sumunod naman ang ilang lalaki maliban kay Minerva na nilait-lait pa ang policewoman, dahilan upang humingi ang huli ng responde sa nagpapatrulyang mga tauhan ng Malabon Police Sub Station 2 at dinakip si Minerba. (Beth Samson)