Advertisers

Advertisers

Lalaki nagsawa sa trabaho, nagbigti

0 288

Advertisers

NAGPAKAMATAY ang isang lalaki sa pamamagitan ng pagbibigti dahil sawa na umano sa trabaho niya bilang carwash boy sa Tuguegarao City.
Kinilala ang biktima na si Christopher Ulita, 33, ng Barangay Caggay ng nasabing lungsod.
Sa report, 3:00 ng umaga nitong Sabado nang matagpuan ang biktima na nakabigti sa likurang bahagi ng boarding house na tinitirhan.
Kuwento ng kinakasama ni Ulita na si Noralyn Cabaro, nasa hustong gulang, umuwing lasing ang biktima at nagdabog palabas ng kanilang kuwarto sabay sabing “nakasasawa na ang buhay na ’to!”
Ilang oras na ang nakalipas, hindi parin nagbalik ang biktima sa kanilang kuwarto kaya hinanap na siya ni Noralyn.
Dito na bumulaga sa kanya ang nakabigting biktima, gamit ang nylon. (Ace Ramales)