Advertisers

Advertisers

KC na-bash sa sexy pictorial na nakatalikod

0 395

Advertisers

WALANG pakialam si KC Concepcion sa sasabihin ng kanyang bashers.

Sa latest post nito sa kanyang Instagram ay nag-post ito ng naka-swimsuit habang nakatalikod at nakaharap ang mukha.

Eto raw ang bagong trip ng anak ni Megastar Sharon Cuneta.



Marami namang nagpiyesta na kalalakihan dahil litaw ang kurba ng kanyang katawan.

Dagsa ang netizens na pumuri at nagbigay komento sa sexy pic ni KC.
Pero ang iba ay naloka at nagtaas ng kilay sa pagpapakita ng puwet ni KC sa suot na swimsuit.

Respeto naman daw sa sarili ayon sa isang komento ng netizen na dinedma at hindi sinagot ni KC.

Mas pinili na lang ni KC na manahimik kaysa sagutin ang patutsada ng netizen.

Ang mahalaga raw ay ini-enjoy ni KC ang kanyang sexy body at no pansin sa mga nagba-body shame na dati na nitong naranasan.



Mas naa-appreciate ni KC ang mga nagbibigay ng magandang komento sa kanyang seksing larawan na nakabandera sa kanyang IG account.

***

Daniel Padilla pinuri sa pagbibigay-ayuda sa tricycle driver na nakabangga sa kanyang luxury car

MAY isang lakad si Daniel Padilla para sa isang panayam pero sa hindi inaasahan ay naaksidente ito.

Nabangga ng isang tricycle driver ang luxury car ng dyowa ni Kathryn Bernardo.

Pangkaraniwan na kapag may banggaan eh talagang may kanya-kanyang paliwanag ang mga nabangga at nakabangga.

Dumarating pa nga sa mainit na pagtatalo na minsan ay humahantong sa pisikalan.

Kaya naman napuri si Daniel ng netizens na imbes talakan at pagsabihan, inintindi at binigyan pa ng tulong o ayuda ang nakabangga sa magarang sasakyan ng anak ni Karla Estrada.

Dumagsa naman ang pogi points ni Daniel sa ginawa nito sa nasabing driver.

Keep it up ayon pa sa isang netizen sa ginawa ni Daniel, imbes hingan ng danyos- perwisyo eh siya pa ang tumulong.

Well, well, well…’Yun na! (Jovi Lloza)

(Jovi Lloza)