Advertisers

Advertisers

BUMABAHA NA ANG SHABU!: P81m droga huli sa Cebu; P18m sa Kalinga at Lanao del Sur

0 207

Advertisers

NASABAT ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 7 (PDEA-7) ang kilo-kilong shabu na nagkakahalaga ng higit sa P81-milyon, Sabado ng gabi sa bahagi ng Pier 3, Cebu City.
Ayon kay PDEA-7 Director Levi Ortiz, nakasilid sa loob ng sound box ang mga malalaking pakete ng droga na pinadala umano ng isang courier express mula sa Maynila.
Natunton ng isang K9 unit ang nasabing kargamento kaya isinailalim agad ang mga ito sa X-ray machine sa pier at nakita na may hinihinalang substance sa loob.
Nang buksan ng mga otoridad ang LED spotlight na nasa loob ng sound box, tumambad ang mga bulto ng shabu na nasa isang kilo ang bigat ng bawat isa.
Hindi bababa sa 12 kilos ang bigat ng nasabat na shabu at nagkakahalaga ang mga ito ng P81.6-million.
Dagdag pa ni Ortiz, may “lead” na sila kung kaninong drug syndicate nanggaling ang nasabat na bulto-bultong shabu na nakasilid sa nasabing kargamento.
Nakikipag-ugnayan ngayon ang PDEA-7 sa express courier na naghatid ng sound box upang isagawa ang isang follow-up operation.
Samantala, tinatayang nasa P18 milyong halaga ng shabu rin ang nasabat ng mga awtoridad sa magkahiwalay na operasyon sa Kalinga at Lanao del Sur.
Noong Biyernes, Agosto 14 naaresto ng PDEA-BARMM ang apat na lalaki sa buy-bust operation sa Barangay Bago Ingud, Malabang, Lanao del Sur.
Nakuha sa mga nadakip ang 2 kilong shabu na nagkakahalaga ng P13 milyon na nakasilid sa berdeng packaging na tila isang Chinese tea product. (Mark Obleada)