Advertisers
EXCITEMENT ang nadarama ng Kapuso stars na sina Will Ashley at Vince Crisostomo sa pagbabalik-telebisyon ng top-rating GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas.
Simula Lunes (August 17), mapapanood muli ang sinusubaybayang teleserye na talaga namang nagpaiyak, nagpakilig, nagpasaya, at nagpayanig sa ating mga hapon.
“I feel excited about the re-airing of Prima Donnas dahil mapapasaya na naman namin ang mga tao na laging tumututok sa amin. Mas madami silang dapat abangan sa mga susunod na kabanata ng serye,” sabi ni Vince na gumaganap bilang Cedric, ang love interest ng karakter ni Jillian Ward.
Dagdag naman ni Will na gumaganap bilang Nolan, “Excited ako dahil makakapagpasaya na ulit ang cast ng show sa mga manonood na naghintay sa aming pagbabalik.”
Muling sariwain ang nakakaantig na kwento ng Prima Donnas, simula Lunes (August 17), 3:25PM, sa GMA Network.
***
All-Out Sundays magpapa-ulan ng sorpresa ngayong Linggo
Bubuhos ang saya at excitement ngayong weekend dahil nag-uumapaw na world-class performances ang ihahandog ng Kapuso stars sa paboritong Sunday tambayan na All-Out Sundays: The Stay Home Party!
Bibigyan ng special version ng ‘Four The Win’ ladies na sina Aicelle Santos, Golden Cañedo, Thea Astley at Julie Anne San Jose ang mga awiting tungkol sa ulan. Paiinitin naman ng ‘OGs’ na sina Ken Chan, Miguel Tanfelix, Ruru Madrid, Derrick Monasterio, Jak Roberto, at Rayver Cruz ang malamig na panahon sa kanilang awitin na ‘Teka Lang.’
Hindi rin dapat palampasin ang mga ipamimigay na papremyo ni Alden Richards sa ‘Ayos Panalo Promo’.
May hugot story namang ibabahagi sina Rita Daniela at Ken na bibigyang kulay nina Lexi Gonzales at Kim de Leon. Magbibigay rin si Paolo Contis ng payo kung anong mainam na solusyon sa love problem ng letter sender.
Sa ‘Ang Drama Mo,’ susubukan namang gayahin nina Martin del Rosario, Betong Sumaya at Buboy Villar ang ilang iconic scenes ni Carmina Villarroel na mismo ring huhusgahan ng aktres.
Ilan pa sa Kapuso stars na makikisaya ngayong Linggo ay sina Christian Bautista, Mark Bautista, Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, Kyline Alcantara, Cassy at Mavy Legaspi, Jeremiah Tiangco, Shayne Sava, Abdul Raman, Jamir Zabarte, at Kapuso leading ladies na sina Rhian Ramos, Kris Bernal, Sanya Lopez, at Andrea Torres.
Makisaya ngayong Linggo (August 16) sa ‘All-Out Sundays: The Stay Home Party,’ 12:45PM, sa GMA-7 at GMA Network official social media accounts.
***
Maricris Garcia “answered prayer” ang pagbubuntis
Excited ang first-time mom na si Maricris Garcia sa pagdating ng kanilang unang baby ng non-showbiz husband na si TJ Cruz.
Tatlong taon matapos ikasal ang dalawa, matutupad na ang pangarap ni Maricris na maging isang ina. Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng Kapuso singer ang labis na pagkatuwa nang maramdaman ang anak sa sinapupunan, “Ikot siya ng ikot. Malikot. Nakakaiyak. Nakakatuwa. I love you!”
Kuwento pa niya, ‘answered prayer’ ang baby nila ni TJ na kanilang hiniling daw noong Pebrero sa travel nila sa Taiwan.
Samantala, nakipag-bonding si Maricris at kapwa first-time mommy na si Aicelle Santos kasama ang Mars Pa More hosts na sina Camille Prats at Iya Villania sa fresh episode ng programa noong Miyerkules. (Rommel Gonzales)