Advertisers
Tanging bakuna nga lamang ba ang magiging daan para ang mundo ay magbalik muli sa dating sigla at ganda nito.
Bakunang tuluyang gagapi sa kamandag na dulot ng salot na corona virus o covid~19.
Masayang ibinalita ng Pangulong Rodrigo Duterte na nakahandang magbigay ng libreng vaccine kontra covid~19 ang Russia sa ating bansa.
Ito ay libreng ipagkakaloob sa atin ng naturang bansa bilang kawang~gawa at tulong na rin sa isang kaibigang nasyon.
Sabi ng Pangulong Duterte, puwedeng mapasaatin ang bakuna sa buwan ng Setyembre o Oktubre.
Kung magkakaganoon nga, magiging maligaya ang darating na Kapaskuhan para sa ating lahat.
Marami sa ating mga kababayan sa ngayon ang tila nawawalan na ng pag~asa at ang development na ito ay sadyang nakakataba ng puso at nakakapaglubag ng kalooban para sa mga taong lubhang naapektuhan ng pandaigdigan pandemya.
Magbubukas nito ang napakaraming pintuan upang muling sumigla ang ating nakalugmok na ekonomiya.
Masisilayan na rin ang ngiti ng bawat Pilipino sa pagsibol ng panibagong pag~asa.
Sanay na tayong bumangon mula sa matitinding pagsubok ng buhay.
Mga unos na pandalas ay napagtatagumpayan natin dahil sa pagsasama~sama at pagtutulungan.
Tatak at simbolo ng matapang na lahi at matatag na bansa.
Suma total, pinasalamatan din ng Pangulo ang bawat miyembro ng kanyang gabinete na walang sawa at kapagurang tumutupad sa kanilang sinumpaang tungkulin kesehodang malagay man sa peligro ang kanilang buhay.
Pero sa kabila ng mga pagsasakripisyong ito, pinupulaan at binabatikos pa sila ng mga walang magawa at mga nagdudunong~dunungang mga pulpol.
Sa pagbangon ng bansa naway huwag kalimutan ng sambayanan ang naging matatag, masinop, matapang at dakilang pamamalakad ng ating Pangulong Duterte sa ating bansa at ang natatangi nitong pagmamahal at malasakit sa bawat mamamayang Pilipino.
Sabi pa nga ng Pangulo, upang masiguro ang kaligtasan sa bakunang ibibigay ng Russia, siya ang unang magpapabakuna upang masiguro na ligtas ito.
Isang dakilang hakbang tungo sa pagpapakita ng kanyang walang katapusang pagmamalasakit at pagmamahal sa kanyang mamamayan.
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com