Advertisers

Advertisers

P14-bilyon COVID-19 payment ng PhilHealth, bubusisiin ng Kamara

0 213

Advertisers

Bubusisiin ng House Committee on Public Accounts ang hindi bababa sa P14 billion na advance payment ng PHILHEALTH sa COVID-19 cases sa mga ospital kahit pa suspendido ang paglalabas ng karagdagang pondo.
Bahagi ito ng kabuuang P30 billion na pondo na inilaan ng ahensya para sa COVID-19 cases.
Ayon kay ANAKALUSUGAN Partylist Rep. Mike Defensor na siya ring chair ng Komite, pinasumite na nila sa PhilHealth ang mga kinakailangan dokumento para dito.
Una na nga ang P1 billion advance payment sa mga ospital at iba pang healthcare facility na ayon sa PhilHealth ay na-liquidate na nila.
Kabilang aniya sa inaasahan nilang lalamanin ng naturang liquidation report ay ang kumpleto at totoong halaga ng advanced payment, recipient-hospitals, halaga na kanila nang na-liquidate, bilang at classification ng bagong coronavirus disease cases, bilang ang pangalan ng pasyente, gamot na ibinigay at treatment na ibinigay sa pasyente.
Batay sa COVID-19 case rate ng PhilHealth nagkakahalaga ng P43,997 ang para sa mild pneumonia, P143,267 para sa moderate pneumonia, P333,519 ang severe pneumonia, at P786,384 naman para sa critical pneumonia.
Ngunit ayon kay Defensor, hindi makatwiran na makatanggap ng halos P44,000 ang isang ospital para sa mild pneumonia kung ang pasyente ay nakararanas lang naman ng ubo, sipon at lagnat.
Base sa estimate ng Commission on Audit, nagkaroon ang PhilHealth ng 20% na overpayment sa case rate package para sa COVID-19 o halos P2.8 billion. (Henry Padilla)