Advertisers

Advertisers

Mga Kolehiyo at Pamantasan hindi iuurong ang pagbubukas ng klase

0 247

Advertisers

Nilinaw ng Commission on Higher Education (CHED) na hindi kailangan iurong ang pagbubukas ng klase sa mga pamantasan at kolehiyo dahil tanging ang basic education ang saklaw ng Oct. 5 school opening.
Kasunod ito ng announcement ng Department of Education (DepEd) na iniurong ang school opening sa October 5 sa dating petsa na Agosto 24.
Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera III , hindi umano apektado ang mga unibersidad at kolehiyo sa postponement ng pagbubukas ng klase dahil ang sakop lang nito ay ang basic education (mula pre school hanggang Grade 12).
Paglilinaw pa ni De Vera na hindi sabay-sabay ang pagbubukas ng klase ng mga kolehiyo at unibersidad dahil hindi magkakaiba ang kanilang academic calendar. Saad pa ni De Vera ang higher education ay nakapaloob sa ilalim ng Republic Act No. 7722 o CHED law kung saan binibigyan ang mga kolehiyo at pamantasan ng kapangyarihan na gamitin ang kanilang academic freedom
“Binibigyan natin sila ng kapangyarihan o authority na magbukas, sa ngayon sa mga pangangailangan at kalagayan ng pamantasan. So hindi kailangan ang bagong policy sa higher education. Kasi yung policy na yun, pinapayagan na magbukas sila sa anumang buwan na sila ay handa,” ani De Vera. (Josephine Patricio)