Advertisers

Advertisers

Lolo ni-rape ang apo

0 322

Advertisers

Timbog ang isang lalaki sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa kasong panggagahasa sa kanyang sariling apo sa Hagonoy, Bulacan.
Kinilala ang suspek na si alyas ‘Ka Ido’, residente ng Brgy. Sto. Rosario habang ang apo ng biktima na itinago sa pangalang Janice.
Sa ulat, hinuli si Ka Ido 3:00 ng hapon nitong Miyerkoles sa kanyang bahay.
Inaresto si Ka Ido sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Sita Jose Clemente, Presiding Judge ng Malolos RTC-Branch 16.
Sa report, hinalay ni Ka Indo ang kanyang apong si Janice ng ilang beses.
Nahaharap sa kasong sexual abuse o paglabag sa RA 7610 ang suspek na walang inirekomendang piyansa.(James de Jesus)