Advertisers

Advertisers

LARONG BILLIARDS AT HEPE NG LOPEZ, QUEZON

0 272

Advertisers

ISA ang larong billiards sa mina ng ginto ng Pilipinas kapag international sports ang pinag-uusapan.

May mga bilyaristang Pinoy na umukit ng pangalan sa larangan at kinatakutan ng mga dayuhan.

Kung sa ibang sports lumalaban ang Pilipinas ay hanggang Asian level lang tayo nakakaporma pero kapag Americans, Europeans o maging Africans na matatangkad at mas malalaki ay tiklop agad ang Pinoy diyan.



Pero hindi sa larangan ng billiards dahil kinatatakutan ng mga puti at itim ang mga Pinoy at naghahari ang kayumanggi sa larong presisyon at talino ng diskarte ang puhunan sa laban.

Salamat kina world champs at Asian gold medalists Efren ‘Bata ‘ Reyes, Djanggo Bustamante,Dennis Orcollo, Marlon Manalo , Carlo Viado maging ang Pinay na si Rubilen Amit at iba pa ay mga magigiting na nagpaluhod sa mga higanteng kalaban para sa karangalan ng bansa.

Dahil din sa kanila , ang billiards ay nag-transform bilang national sports at nakawala ito sa imahe ng bisyo ng kabataan at mga tambay at hindi na galit si nanay o si tatay kapag nalamang nagbibilyar ang kanilang anak basta di napapabayaan ang pag-aaral.

Marami pang matutuklasang mga potensyal na bilyarista sa Pilipinas basta tuloy lang ang grassroot development program hanggang sa KANAYUNAN sa buong kapuluan.

Ang billiards tulad ng basketball ay hitik ang talento sa probinsiya dahil hanggang sa mga barangay ay maraming naglalarong kabataan. Katalo na kahit yelo o family size na softdrinks ang premyo ng mananalo sa laban.



Pero dahil nahasa sa mga larong kanto ay ang mga natutuklasan ay mga professional basketball players na at milyong piso na ang kinikita habang ang mga bilyaristang nadidiskubre ay pambato na ng Pilipinas sa SEAGames,Asian Games hanggang sa World Pool Championships at pawang maririwasa na sa buhay.

Marami sa mga kabataang magagaling tumumbok ay iniidolo si ‘Bata, Djanggo at Magnifico Manalo’ at nag-aambisyong maging manlalaro ng bansa bukod sa pangarap na maingat ang kanilang buhay mula sa kahirapan.

Sa lalawigan ng Quezon, balitado na maraming mga batikang bilyarista at laging umuuwing luhaan ang mga dayuhan.

Partikular sa bayan ng Lopez , maraming potensyal na kabataan ang mga pambato at kailangan lang na matuklasan.

Ngayong panahon ng pandemya ay pansamantalang natigil ang mga akibidad sa sports kabilang na ang billiards noong ECQ.

Sa kasalukuyan , bukod tangi na lang sa NCR at karatig ang nasa MECQ and the rest of the country ay nasa GCQ at MGCQ na ibig sabihin ay maluwag na ang mga alituntunin sa mga trabaho, propesyon, negosyo, transpo at sports kasama na ang billiards na hindi naman contact sport ang mga nagtutunggali at makakatalima sa health protocol sa new normal na pinapatupad ng DOH at IATF.

Kaya pinapayagan na ang mga laro o sports tulad ng billiards basta walang halong kabulastugan ang pinaglalabanan.

Basta ito ay para sa sports development at talent search sa mga lalawigan ay di ito dapat higpitan.

Tinatawagan ng atensiyon ng korner na ito ang HEPE ng KAPULISAN sa Lopez, Quezon na kanyang suportahan ang sport na billiards sa kanyang nasasakupan basta sa larangan ng sports at para sa bayan.

Huwag sanang presyurin at gipitin ng kanyang mga tauhan ang mga manlalaro at nagpapalaro lalo’t wala namang bisyong pinaglalabanan( huwag din haluan ng kotongan ) kundi isa itong libangan at pagtupad sa isang AMBISYON ng potensyal na bilyaristang susunod sa yapak nina BATA para sa karangalan ng bansa.

Huwag IPATIGIL ang PANGARAP para sa bansa at atin silang suportahan sa kanilang pagsargo ng karangalan ng bayan basta ang sitwasyon ay nasa kaluwagan , may kaukulang permiso at pinahihintulutan…ABANGAN!!

Uppercut:Good Morning kay Police Chief Margarito Umali Sir! Shoutout sa idol ng bayan na si Senate Committee on Sports head Senator Bong Go- ang tunay na may malasakit at tagasuporta ng larangan ng palakasan sa bansa… GO SBG GO!!!