Advertisers

Advertisers

ISKO, NAGHAHANAP NG MED TECH PARA KATULONG VS. COVID-19

0 321

Advertisers

NAGHAHANAP ng mga medical technologists ang Manila City government upang makatuwang nila kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa anunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno, nabatid na kailangan ng city government ng may 10 medtech na itatalaga sa Sta. Ana Hospital, kung saan matatagpuan ang polymerase chain reaction (PCR) machine ng lungsod, na ginagamit sa pag-aanalisa ng mga samples na kinukuha sa swab tests.

Ayon sa alkalde, ang mga medical personnel ay tatanggap ng buwanang sahod na P30,000.



Kinakailangan lamang umano ng mga interesadong aplikante na magsumite ng letter of intent at personal data sheet sa lokal na pamahalaan.

Nabatid na ang naturang hakbang ay bahagi nang pagsusumikap ng lokal na pamahalaan na madagdagan pa ang mga health workers sa lungsod, bunsod na rin nang patuloy na pagdami ng mga taong dinadapuan ng COVID-19 sa bansa.

Ang Sta. Ana Hospital, na pinamumunuan ng director nitong si Dr. Grace Padilla, ang nagsisilbing sentro ng COVID treatment ng Maynila, dahil dito matatagpuan ang Manila Infectious Disease Control Center (MIDCC).

Maging ang COVID test laboratory ng lungsod ay matatagpuan din sa naturang lugar, na may dalawang palapag na inilaan para sa mga COVID patients lamang. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">