Advertisers
TIMBOG ang dalawang drug suspects at nakumpiska sa mga ito ang higit sa P.3 million halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Muntinlupa City.
Kinilala ang mga suspek na sina Marvin Arciaga, 41; at Resty Aquitania, 40, kapwa residente Guillermo Street, Barangay Putatan ng nabanggit na lungsod.
Sa report na natanggap ni Southern Police District (SPD) director Police Brigadier General Emmanuel Peralta, 3:40 ng hapon nang maaresto ang mga suspek sa #295 San Guillermo Street, Barangay Putatan, Muntinlupa City.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa P340,000.00 halaga ng shabu.
Samantala, nasa P102,000.00 namang halaga ng shabu ang nakumpiska nang pinagsanib na pwersa ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) at Quezon City Police District (QCPD) mula sa mga suspek na sina Jovi Dela Cruz, 29; at Joshua Mallari, 27, kapwa taga Molave St., Brgy. Payatas, Quezon City.
Sa kabuuan nasa P442,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa area ng Muntinlupa at QC.(GAYNOR BONILLA)