Advertisers
SINIBAK na ng Chicago Bulls management ang head coach na si Jim Boylen.
Sa nakalipas kasing dalawang season ay nabigo si Boylen na dalhin ang team sa playoffs.
Lumalabas sa record na doble ang dami ng talo nila kumpara sa panalo (39-84) mula nang hawakan niya ang Chicago Bulls.
Inamin naman ni executive vice president of basketball operations Arturas Karnisovas ng Bulls, napakahirap ang naging desisyon nila na alisin si Boylen.
Gayunman wala umano silang magagawa kung hindi yakapin ang bagong direksiyon para sa kanilang team.
Bago magkaroon ng suspensiyon ngayong season ang liga dahil sa pandemic, nasa 22-43 ang naabot nilang record.
Nagtapos ito sa pang-11 puwesto sa Eastern Conference.
Mula pa noong 2015 ay hindi pa nakarating ang Bulls sa playoff series.
“After doing a comprehensive evaluation and giving the process the time it deserved, I ultimately decided that a fresh approach and evolution in leadership was necessary,” Wika ni Karnisovas sa statement.