Advertisers

Advertisers

Dingdong at Rocco naghahanda na sa pagbabalik-trabaho para sa DOTSPh

0 281

Advertisers

MATAPOS ang ilang buwang break sa taping, naghahanda na raw ngayon sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at versatile actor Rocco Nacino na magbalik-trabaho para sa pinagbibidahang programa na Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation.

Sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Dingdong na pinaghahandaang mabuti ng kanilang team ang magiging proseso sa pagbabalik-taping para maging ligtas ang pagtatrabaho nilang lahat bilang pagsunod sa health protocols.

Aniya, “Kailangan ‘yung preparedness namin kung dati level 100, dapat 1000 siguro ngayon kasi we’re not after time but also our safety and the safety of others as well.”



Maging si Rocco ay excited na ring muling magtrabaho. “Ganado kaming magtrabaho ulit. Ramdam namin ‘yung excitement at saya kasi nga naramdaman namin na may balik ‘yung pinaghirapan namin,” say ng aktor.

Dagdag motivation sa cast ng serye ang pagkakapanalo nito bilang Most Popular Foreign Drama of the Year sa katatapos lang na 15th Seoul International Drama Awards.

***

Gabbi Garcia may ibinahaging relationship advice

GOING strong ang relasyon ng Kapuso star na si Gabbi Garcia sa boyfriend na si Khalil Ramos kahit na hindi sila masyadong nagkakasama dahil sa pinatutupad na community quarantine.



Nang tanungin ng fans kung ano ang sikreto sa kanilang healthy relationship, ibinahagi ng dalawa sa pamamagitan ng isang livestream ang love advice na ito: “I think it’s one, time management, and it’s acknowledging there’s a level of maturity that you have to attain for you to accept that you have to balance out everything. You have to weigh your priorities, hindi pwedeng dahil sobrang in-love kayo ay talagang ‘yun lang ‘yung gagawin n’yo.”

Samantala, patuloy na napapanood si Gabbi bilang si Alena sa rerun ng ‘Encantadia’ sa GMA Telebabad. (BKC)