Advertisers

Advertisers

Covid-19 active cases sa Maynila bumaba ng 50%

0 312

Advertisers

Sa loob lamang ng isang linggo mahigit sa 50% ang ibinaba ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila bunsod na din ng tuloy-tuloy na paghahanap at pagtukoy ng lokal na pamahalaan sa mga posibleng naimpeksyon o nahawa ng naturang sakit.
Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa kanyang lingguhang “The Capital Report”, nasa 697 na lamang ang naitalang “active cases” ng COVID-19 sa Maynila habang nakapagtala naman ng kabuuang 4,972 “recoveries” o gumaling na sa naturang sakit.
Matatandaan na noong nakaraang linggo lamang, nakapagtala ng may 1,253 aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan batay sa pinakahuling datos ng Manila Health Department (MHD), bumaba ito ng may 55% makaraang nasa 697 active cases na lamang ngayon ang kabuuang bilang nito.
Nakapagtala naman ang MHD ng kabuuang bilang na 375 “suspected case” at 7 “probable case” ng naturang sakit habang nasa kabuuang bilang na 259 ang binawian ng buhay dahil na dins a COVID-19.Sa kabuuang bilang naman ng confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila ay pumalo na ito sa 5,928.(Jocelyn Domenden)