Advertisers

Advertisers

Bomba natagpuan sa depot ng LRT

0 349

Advertisers

NATAGPUAN ang isang bomba sa construction site ng Light Rail Management Corporation (LRMC) kamakalawa sa Pasay City.
Ayon sa report, 4:00 ng hapon nang matagpuan ang isang uri ng Unexplode Explosive Ordnance (UXO) sa LRMC Depot, Andrews Avenue, Brgy. 190 ng nabanggit na lungsod.
Kung saan nadiskubre ito ng isang backhoe operator habang naghuhukay ito sa nabanggit na lugar.
Agad nitong ipinagbigay alam sa mga awtoridad ang insidente.
Mabilis namang rumisponde ang Regional EOD Canine Unit, NCR, SWAT-EOD personnel sa pamumuno ni Police Major Neil Deveraturda, na kaagad na nagsagawa ng inspection sa lugar.
Sa ngayon,patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.(Gaynor Bonilla)