Advertisers

Advertisers

Barrier sa Edsa, inararo ng ambulansiya

0 271

Advertisers

NAWASAK ang unahang bahagi ng ambulansiya matapos sumalpok sa dalawang concrete barrier sa EDSA southbound malapit sa kanto ng Scout Borromeo sa Quezon City, kahapon ng umaga.
Sa report ng Metrobase ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), naganap ang aksidente 8:00 ng umaga (Agosto 15).
Ayon sa ulat dahil sa lakas ng impact, nawasak ang kanang unahang bahagi ng ambulansiya habang nadurog naman ang dalawang concrete barrier, na nakalagay sa kalsada para ihiwalay ang bus lane.
Nabatid sa MMDA, na wala namang pasyenteng sakay ang naaksidenteng ambulansiya at wala ring napaulat na nasaktan sa aksidente.
Magugunitang makailang ulit nang nag-viral sa social media ang mga pagsalpok ng mga sasakyan sa mga barrier ng MMDA.
Ang huling aksidente, nitong July 30, kung saan dalawang katao ang sugatan matapos sumalpok ang sinasakyan nilang van sa concrete barrier sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City, noong hatinggabi ng Huwebes.(Boy Celario)