Advertisers

Advertisers

3 MIEMBRO NG AGUSTIN CRIME GROUP, TIMBOG

0 266

Advertisers

HULI ang tatlong miyembro ng Agustin Crime Group sa isinagawang buy bust operation ng Manila Police District (MPD), kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang mga suspek na sina Roniel Agustin Y Iyas, 27; at kapatid nitong si Raymat, 23, kapwa residente ng 2655 Dagupan Extention, Tondo; at Ronald Vitug, 40, trike driver ng 2654 Dagupan Ext.
Samantala, tinutugis pa ng otoridad si Rowell Agustin, kapatid ng mga naaresto.
Ayon sa ulat, 5:30 ng hapon nang magsagawa ng buy bust operation sa panulukan ng Dagupan Ext., at Solis St., Tondo.
Sa report, nasa drug watch list ng pulisya ang naturang grupo.
Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165, Article ll, Section 5 at 11 at kasong Illegal Possesion of Firearms and Ammunition ang mga suspek sa Manila Prosecutor Office. (ANDI GARCIA)