Advertisers

Advertisers

2 kilos shabu huli sa Laguna

0 282

Advertisers

CAMP VICENTE LIM – Timbog sa pinagsanib na mga kagawad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-NCR/4A) Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) at San Pedro PNP ang big time drug pusher na nakunan ng 2 kilos ng shabu sa buy bust operation sa Harmony Village, Jupiter St. Barangay San Vicente, San Pedro, Laguna Biyernes ng gabi.
Sa ulat ni PDEA-4A Director III, Adrian Alvarino, nakilala ang naaresto na si Haron Thocks, 50, naninirahan sa Maguindanao Ave. P-3 Lower Bicutan, Taguig City.
Bandang 10:30 ng gabi nang madakip ng mga operatiba sa pamumuno nina Almarino at PDEA RO NCR District Officer IA V Mary Lyd Arguelles ang target matapos kumagat sa pain na poseur buyer.
Nasamsam kay Thocks ang 2 kulay dilaw na bukas na pakete na may Chinese characters at “GUANYINWANG” na naglalaman ng 20 piraso heat-sealed transparent plastic sachets ng shabu na mahigit sa 2 kilos na nagkakahalaga ng P13.6 milyon.
Kabilang sa mga nakumpiska kay Thocks ang 2 cellular phones, ID card, boodle money at sasakyan nitong Toyota Fortuner. (DICK GARAY)