Advertisers

Advertisers

Sec. Galvez: Localized lockdowns sa NCR kapag ibinalik ito sa GCQ

0 284

Advertisers

Mas mahigpit na localized lockdowns ang aasahan ng mga taga-Metro Manila kapag ibinalik ang rehiyon sa general community quarantine (GCQ).
Pahayag ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, dahil may mga Cabinet secretaries ng itinalaga sa mga lungsod sa Metro Manila, makakaasa ang publiko ng mas aktibong localized lockdowns.
Ayon kay Sec. Nograles, ang pagtatalaga ng “big brothers and sisters” sa Metro Manila cities ay pag-replicate ng ginawa noon sa Cebu City kung saan ipinadala si Environment Sec. Roy Cimatu bilang point person ni Pangulong Rodrigo Duterte sa COVID-19 situation sa lungsod.
Ang mga nasabing Cabinet secretaries umano ay magsisilbing tulay sa pagitan ng national government at binabantayang local government units (LGUs) para mas epektibong mapangasiwaan ang laban sa COVID-19.
“If we go [back to] GCQ, we’ll have to be very strict doon sa ating localized lockdowns. We have to be more active sa localized lockdowns,” ani Sec. Nograles na co-chair din ng IATF.