Advertisers

Advertisers

Rhian aminado, ganap nang ‘quarantita’

0 255

Advertisers

SA recent YouTube vlog ni Sarap, ‘Di Ba? host Carmina Villarroel, inimbitahan niya ang tatlong nakatatandang kapatid upang maglaro ng ‘How well do you know your sister?’.

Dahil nalalapit na ang kaarawan ng Kapuso actress-TV host sa August 17, may inihanda siyang 17 questions para alamin kung sino sa tatlo ang mas nakakakilala sa kanya.

Ibinuking din ng magkakapatid ang ilang detalye tungkol sa kanilang bunso na si Carmina gaya ng kanyang mimi pillow na lagi niya dapat hawak sa pagtulog. Pansin naman ng netizens ang closeness at tila likas na pagkamasayahin ng magkakapatid, “Ganyan din po kami mag-bonding ng mga kapatid ko. Ang saya panoorin kayong magkakapatid kasi nakakatuwa!”



Samantala, abangan ang birthday celebration ni Carmina sa special episode ng Sarap, ‘Di Ba? ngayong Sabado (August 15), 10AM, sa GMA Network.

***

DAHIL sa ilang buwan na ring nasa bahay lang muna, maraming new hobbies na nasubukan ang Kapuso actress na si Rhian Ramos.

Para maging busy at productive sa bahay, ni-revive ni Rhian ang kanyang YouTube channel para ibahagi sa fans ang iba’t ibang activities na kanyang pinagkakaabalahan.

Ilan sa vlogs na patok sa netizens ay ang kanyang skincare routine, pag-bake ng brownies at pag-dye ng kanyang mga damit.



Kaya naman aminado si Rhian na dahil sa hobbies na ito ay isa na siyang ganap na ‘quarantita.’ Caption niya sa kanyang IG post, “Baking, skincare, dresses, flowers.. Who am I? I like it. I’m getting my quarantita on.”

Samantala, habang hindi pa nagbabalik-trabaho para sa serye na Love of my Life, napapanood si Rhian sa rerun ng Stairway to Heaven na magtatapos na ngayong Biyernes, August 14, 3:25PM, sa GMA Afternoon Prime.

***

GMA PINOY TV PUNO NG SORPRESA SA 15TH ANNIVERSARY

Good news para sa mga Kapuso abroad! Maraming sorpresa ang ihahatid ng GMA Pinoy TV para sa kanilang 15th anniversary celebration ngayong Agosto.

Kasama na rito ang mga espesyal na programa tulad na lang ng pagbabalik ng epicserye ni Marian Rivera na Amaya, patok na pelikula nina Marian at Dingdong, pati na rin ang My Korean Jagiya nina Heart Evangelista and Alexander Lee, at marami pang iba.

Tuloy rin ang mapagkakatiwalaang pagbabalita mula sa mga Kapuso newscast sa pangunguna ng 24 Oras.

Kaya para sa mga Kapuso abroad na hindi pa naka-subscribe, punta na sa gmapinoytv.com/subscribe. (BKC)