Advertisers
Pinaalalahanan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko na hindi makakabili ng Chinese Traditional Medicine Lian Hua Qing Weng sa mga rehistradong botika sa bansa kung walang maipakitang reseta mula sa mga doktor. Napag-alaman na inaprubahan ng FDA ang naturang gamot bilang lunas sa mayroong lung toxins. Binigyan-diin ni FDA Director General Eric Domingo ang kahalagahan ng reseta mula sa mga manggagamot.
Dahil anya ang mga doktor ang tanging makakapagsabi ng dosage at mas nakakaalam kung walang masamang epekto sa katawan ng pasyente ang pag-inom nito.
Taliwas sa mga nagkalat na ulat ay nilinaw ni Domingo na hindi inaprubahan ang naturang traditional Chinese medicine upang gamitin sa mga pasyenteng dinapuan ng COVID-19 sa bansa.(Josephine Patricio)