Advertisers

Advertisers

Pinas nasa warning zone ­- DOH

0 253

Advertisers

Hindi na ipinagagamit ng Department of Health ang “wave” bilang pamantayan sa estado ng bansa sa patuloy na pagtaas ng kaso o trend ng COVID-19 .
Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire sa press briefing, mas mainam na tignan na lamang kung ano ang ginagamit na panukat o pamantayan kapag sinasabi anon gang estado n gating bansa laban sa COVID-19.
Paliwanag ni Vergeire, nagkakaroon ng “confusion” o “misinterpretation” kapag ginagamit ang wave.
Ayon sa opisyal, tinitignan lamang ang numero ng kaso gayundin ang critical care utilization at case doubling time.
“So kapag titignan natin ang critical care utilization natin, ang buong Pilipinas ay nasa warning zone” ayon pa kay Vergeire.
Aniya, ang dating critical care utilization ng Pilipinas ay 40 % ngunit ngayon ay nasa 50% na ang CCU.
Sa case doubling time naman aniya sa buong Pilipans ay nasa 9 days kaya naman pinag-uusapan na umano ngayon ng mga eksperto ang iba pang indicator na maaring gamitin dahil nakikita aniya nilang ang case doubling time ay hindi na sensitive lalu na sa trend ng kaso ay pataas ng pataas.
“So we are now using the numbers, clustering of cases and also thrends per week”.
“Yun muna ginagamit natin plus the critical care utilization , so pag tinignan natin yung critical care utilization sa identified areas of the country or selected areas of the country makikita natin na talagang nasa danger zone tulad ng NCR, Region 4A na nasa 60 percent ang crirtical care utilization, Region 3 medyo tumataas din, ang ibang areas manageable pa” dagdag pa ni Vergeire.
Sa kabila nito, patuloy pa rin naman aniya ang pagbabantay sa nasabing mga lugar at pinaaalalahanan ang mga tao na magkaroon ng kontribusyon na gawin ang kanilang bahagi dahil nakikitang ang pagtaas ng kaso ay dahil sa community transmission at tumataas din ang clustering. (Jocelyn Domenden)