Advertisers

Advertisers

Padyak boy nakuhanan ng P137K shabu

0 228

Advertisers

KULONG ang isang tricycle driver na sangkot umano sa pagtutulak ng droga matapos masakote sa buy-bust operation sa Navotas City.
Kinilala ni Navotas Police chief, Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Micheal Tojino, alyas “Mako”, 29, ng 520 B Cruz Brgy. Tangos North.
Sa ulat, 11:30 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Genere Sanchez, ang buy-bust operation kontra kay Tojino sa B Cruz St.
Kaagad hinuli ng mga operatiba ang suspek matapos bentahan ng isang sachet ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng P500 marked money.
Nakuha sa suspek ang aabot sa 20.2 gramo ng shabu na nasa P137,360 ang halaga at buy-bust money.
Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa piskalya ng lungsod ng Navotas. (Beth Samson)