Advertisers

Advertisers

Nadia tumutulong na, naba-bash pa

0 239

Advertisers

HANGA kami kay Nadia Montenegro sa pagiging supportive at matulungin niya sa mga kapwa niya artista.

Noong mamatay si Isabel Granada, isa siya sa naging punong abala sa pag-aasikaso sa burol nito hanggang sa ma-cremate ito.

Ngayon naman, isa rin siya sa tumulong kasama sina tita Asther Amoyo at Chuckie Dreyfuss kay John Regala para madala ito sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) dahil may liver cirrhosis o pagpepeklat sa liver.



Pero ngayon ay nakalabas na ng hospital ang aktor kahit hindi pa dapat dahil hindi pa umano lubusang magaling. Nagpilit umano tong lumabas dahil naiinip na.

Sa kabila ng magandang ginagawa na pagtulong at pagmamalasakit kay John, naiintriga pa ang grupo nina Nadia. Kaya naman sa interview ng aktres sa Pep.ph, naglabas siya ng sama ng loob.

“Sobrang hirap ng sitwasyon namin. Kami ang nanghihingi ng help. Kami ang nahuhusgahan,” hinaing ni Nadia.

“Na-bash pa ako, pero okay lang. Wish ko sa mga nakakapag-judge pa, e, magawa kahit kalahati ng ginagawa namin para sa kapwa.Basta si Lord ang gusto kong i-please, hindi tao,” aniya pa.

Aminado si Nadia na hindi madali ang efforts ng grupo para matulungan si John.



“Habang nagwo-worry ako kay John, nagwo-worry rin ako kay Nanay Aster. Pati kami, nagkakainitan na ng ulo sa grupo. Walang alam si John sa pinagdaanan namin to get him there. But I love him as my brother. We will do anything for our loved ones. Kaya go pa rin nang go,”

***

GUMASTOS naman kayo! ‘Yan ang panawagan ni Joey de Leon sa mga post nang post ng libreng pagkain pati na sa mga kapwa niya host sa Eat Bulaga na sina Paolo Ballesteros at Allan K.

Sa pinost niyang larawan sa Instagram, pinasalamatan niya ang sarili sa biniling fried pigeon at pinatutsadahan sina Paolo at Allan K.

Sabi niya: “Thank you @angpoetnyo for your hard-earned money to buy these fried pigeons! Yung mga post nang post ng food na libre tulad ni @pochoy_29 at @allan_klownz at ibang @eatbulaga1979 dabarkads GUMASTOS NAMAN KAYO” (Rommel Placente)