Advertisers

Advertisers

Lider ng robbery, gun-for-hire group patay sa Iloilo

0 197

Advertisers

PATAY ang umano’y lider ng isang robbery at gun-for-hire group nang maka-engkuwentro ang mga pulis sa bayan ng Calinog, Iloilo Biyernes ng umaga.
Nakipagbarilan umano si Jenel Chiva sa mga awtoridad nang ihain ang arrest warrant para sa kasong murder sa kaniyang bahay sa Barangay Agcalaga.
Ayon kay Police Col. Gilbert Gorero, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) Western Visayas, itinuturing na top most wanted person ng lalawigan ang suspek dahil sangkot umano ito sa mga insidente ng panghoholdap at pagpatay.
Narekober ng mga pulis sa pinangyarihan ng engkuwentro ang baril at granada na pag-aari umano ni Chiva.
Ilang miyembro rin ng Chiva robbery at gun-for-hire group ang napatay ng mga pulis ilang taon na ang nakalipas.(PTF team)