Advertisers
PATAY ang isang lalaki nang pagsasaksakin ng kainuman na nairita sa kanya dahil sa lakas nitong uminom ng alak sa munisipalidad ng Sipocot, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Martin Garcia, 24, residente ng Brgy. Serranzana, Sipocot, Camarines Sur.
Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Marlon Bermundo, 35, kapitbahay ng biktima.
Sa report, nag-iinuman ang biktima at suspek nang mangyari ang krimen.
Nabatid na naubos ang iniinom na alak ng dalawa subali’t hindi man lamang umano nagkukusang bumili si Garcia na ikinairita ni Bermundo.
Kumuha ng patalim si Bermundo at pinag-uundayan ng saksak ang biktima sa dibdib na namatay noon din.
Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang suspek.(PTF team)