Advertisers

Advertisers

Lalaki bibili ng yelo, binaril-patay habang naglalakad

0 288

Advertisers

PATAY ang isang lalaki na bibili lang sana ng yelo matapos siyang pagbabarilin ng nakatakas na salarin sa Meycauayan City, Bulacan. Sugatan naman ang isa niyang kasama.
Kinilala ang nasawi na si si Mikko Pulumbarit, at sugatan si July Concepion.
Sa ulat, makikita sa CCTV sa Barangay Malhacanna naglalakad ang biktimang si Pulumbarit, kasama sina Concepion at isa pang Richard Rubio.
Maya-maya pa, isang lalaki na nasa likuran nila ang bumunot ng baril at pinagbabaril ang mga biktima.
Matapos ang pamamaril, tumawid ang salarin at umangkas sa nag-aabang na motorsiklo at tumakas.
Kaagad na nasawi dahil sa mga tama ng bala si Pulumbarit, habang sugatan naman Concepcion. Hindi naman tinamaan ng bala si Rubio.
Palaisipan kay Eduardo Pulumbarit, ama ng biktima ang pagpatay sa kaniyang anak, na lumabas lang daw para bumili ng yelo sa malapit na planta.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa motibo ng pagpatay at ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (James de Jesus)