Advertisers
Gaya sa mga tv commercial ay Brand X ang prangkisa na haharapin ng Lakers sa Round 1 ng NBA Playoffs.
Hindi pa kasi pwedeng pangalanan nguni’t sa iba pa ay batid na.
Bilang numero uno sa Western Conference ay hahantayin pa nina Lebron James at Anthony Davis ang play-in ng No.8 na Blazers at No. 9 na Grizzlies. Twice to beat sina Damian Lillard kaya sila paborito na makatunggali nina Kyle Kuzma.
Heto ang ibang cast. Sa West ay Clippers-Mavericks, Nuggets-Jazz at Thunder-Rockets.
Sa Eastern Conference naman ay Bucks- Magic, Raptors-Nets, Cetics-76ers at Heat-Pacers.
Best-of-7 ang lahat ng mga match hanggang sa NBA Finals.
Eka ng injured na si Kevin Durant ay Clippers vs Bucks sa dulo.
Ayon kay Pepeng Kirat ay may lihim na inggit si KD kay LBJ kaya hindi Lakers ang pinili. Para kay Pepe ay Lakers kontra Milwaukee yan sa huli.
Kayo ano sa palagay ninyo?
***
Ngayong umaga ay panauhin sa Boomers Banquet sa FB Live ang batikang sportscaster na si Sev Sarmenta. Salingkit ang inyong lingkod sa pang-Sabadong palatuntunan ng mga baby boomers ng mga bihasang DJ na sina Bob Novales at George Boone. Pag-uusapan mula ika-10 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali ang mga sinehan at mga pelikula noong 60’s, 70’s.
at 80’s. Masusubaybayan din ang programa sa You Tube at Spotify.
Sa ika-22 naman ng buwang kasalukuyan ay basketball ang ating paksa at mapalad tayo na si Commissioner Willie Marcial ang ating espesyal na bisita.
***
Namungkahi na pala ni Coach Richard del Rosario ang ala-NBA bubble ang ipatupad ng PBA sa pagbabalik nito.
Suportado naman ni Coach Tim Cone ang proposal ng kanyang deputy sa Barangay Ginebra. Kaso nalalakihan ang liga sa gastos ng ganoong sistema. Bagama’t ligtas daw sa COVID19 sa ganitong paraan ay ang laking pondo daw ang kailangan.
Nababggit na natin ang ganire dito sa pitak na ito. Pwede ganapin ang lahat ng game at ensayo sa Big Dome at mag-stay sa mga hotel ang mga team sa loob ng Araneta Coliseum. Siguro extra practice gym ang JCSGO Gym sa Cubao.
Uubra din sa SM MOA Arena na may mga hotel din sa paligid. Nandiyan din ang facility na gamit ng NU Bulldogs.
Para bumaba ang gastos ay maaari naman marahil ang ex-deal sa mga establishment na nabanggit.
Malabo kasi ang uuwi araw-araw ang mga player at staff sa kani-kanilang bahay tapos kinabukasan ay balik gym na naman.
Dapat siguro masusi pang pag-aralan ng kauna-unahang pro league sa Asya ang suhestiyon.