Advertisers
SA murang edad ni Julia Barretto ay marami na siyang pinagdaanan pagdating sa mga intriga.
Pinakamatinding intrigang dumating sa aktres ay nang madawit ang pangalan niya sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson.
Siya kasi ang itinuro noong third party sa paghihiwalay ng estranged showbiz couple.
Sa panayam ni Toni Gonzaga kay Julia sa isang online show, natanong ito kung ano ang natutunan niya sa lahat ng pinagdaanan niya lalo sa isyu sa kanilang tatlo nina Bea at Gerald.
Ayon kay Julia, noong una ay halos hindi raw niya kinaya ang mga kontrobersya sa kanya, pero kailanman ay hindi raw niya naisip na mag-quit sa showbiz.
“My biggest lesson was just keep going, just keep moving forward until the next battle. It will never end. The biggest lesson was don’t get stuck,” aniya.
Sa halip daw na talunin siya ng kanegahan, tiningnan na lang daw niya ang lahat na may positibong pananaw.
Naisip din daw niya ang mga biyayang tinatanggap at suporta ng pamilya na para sa kanya ay sapat na para lumaban siya at patuloy na magpursige sa buhay.
“I chose to look the other way. I always say this, but it’s true. When you have a grateful heart, instead of questioning the things around you, or questioning the things that are happening to you, instead of complaining, parang mas magaan sa loob ‘yung grateful ka na lang na nangyayari ito sa’yo kasi you know that it’s better preparing you for the bigger battles in life,” paliwanag niya.
Hirit pa niya, bata pa raw siya at marami pa siyang pagsubok na haharapin na aniya ay tanggap niya noong magdesisyon siyang pumasok sa showbiz.
“I am only 23. At that time, I knew I was confident that there was still so many beautiful things in store for me. Kung susuko ba ako ngayon, ano na lang ang mangyayari sa buhay ko ngayon? Ang bata bata ko pa,” pagbabahagi niya.
Sa ngayon, happy siya dahil in good terms na naman sila ng ex-bf na si Joshua Garcia na muli niyang makakasama sa virtual drama na “Love Lock” sa episode na “E-Numan.” (Archie Liao)