Advertisers

Advertisers

Julia ‘di sumuko sa mga pinagdaanang pagsubok; Ina tanggap na kabog na ng anak na si Erika sa kaseksihan

'Laban lang!'...

0 172

Advertisers

SA dami ng kontrobersya na pinagdaanan ni Julia Baretto eh isa lang ang natutunan nito sa buhay– ang huwag sumuko.

Laban lang, isa sa mga young celebrity si Julia na matapang na lumalaban sa hamon ng buhay.

Kung iba nga raw ‘yun sa mga pinagdaanan nitong kontrobersya eh baka hindi na kayanin.



Pero si Julia ay mas pinatatag at pinatibay ng anumang hamon o pagsubok na dumating sa buhay.

Sa pag-amin ni Julia, ang suporta ng pamilya ang tinuturing nitong sandata para maging matatag sa mga pagsubok.

Isa pang natutunan ni Julia ay pag may dumating na trials ay huwag daw ma-stuck o manatili doon.

Move on din at huwag patalo sa mga kontrobersya.

Pinuri naman ng netizens ang pagiging matapang at matatag ni Julia.



Sa panayam nga nito sa online na “I Feel U,” pag may mga dumating daw na pagsubok o pangyayaring ‘di inaasahan eh nag-iwan pa ito ng katagang “Laban lang!”

***

SA IG post ni Erika Rae Porturmak na mga sexy pose, nagbulaga ito ng netizens na talaga namang napa-wow at napahanga niya ang kanyang mga kalalakihang followers.

Kinabog na nga raw nito ang kanyang nanay na si Ina Raymundo nung kabataan nito.

Kitang-kita ang mga pasabog posing ni Erika at inilantad ang kanyang kaseksihan sa suot nitong two-piece bikini.

May mga kontra na netizens sa mga sexy pics ni Erika Rae at bata pa raw ito para ibilad ang katawan sa socmed.

Para kay Ina wala naman siyang nakikitang masama sa ginawa ng anak na pagpo-post ng sexy pics.

Tanggap daw ni Ina kung kinabog na siya ng kanyang anak sa kaseksihan.

Pumalag ang ilang netizens na nagsasabi na kahit may edad na si Ina eh taglay pa rin umano nito ang pagiging sexy.

May tsika nga na puwede na raw i-remake ang Sabado Night na pinagbidahan ng nanay ni Erika Rae at kitang-kita nga ang pagiging Ina nito dahil sa kurbadong katawan.

Well, well, well…’Yun na! (Jovi Lloza)