Advertisers
WALA namang binabanggit na namesung kung sino ang pinatatamaan ni Elizabeth Oropesa sa kanyang hugot post sa social media.
Nalulungkot lang si La Oro na may mga deserving daw tulungan na talagang nagpapakahirap ngayon dahil sa killer virus.
May mga nawalan din ng trabaho dahil sa pandemya.
Pero naging maramot sa kanila ang pagkakataon para sa mga ayuda na dapat sila raw ang nakatatanggap.
Nagtataka lang ang veteran actress kung bakit ang dating binigyan ng biyaya ng Diyos eh sinayang lang ang mga panahon na naabot nito ang rurok ng tagumpay.
Naging tanyag pero dahil sa bisyo eh doon na nagsimula ang unti-unting pagbagsak.
Nag-one day millionaire at hindi na naisip na may hangganan ang lahat.
Nasayang nga lang daw ang binigay sa taong ito na pagpapala ng nasa Itaas.
Iritable si La Oro dahil naka-post pa ang milyong tulong sa tao na ito pero ‘yung deserving tulungan hindi man lang daw nabibigyan pansin para maayudahan.
It’s unfair nga raw porke ba’t may pangalan at sikat at ‘yung mga taong walang-wala at nangangailangan eh dedma lang.
Sana raw walang pinipiling estado ng propesyon at ang pagtulong sa kapwa dapat ay pantay.
Natunugan naman ng netizens na ang hugot post ni La Oro ay patama kay John Regala kahit wala namang binanggit na pangalan ang beteranang aktres.
***
SA edad na 14 eh nahihilig na sa pagwo-work out ang anak ni Jodi Sta. Maria na si Thirdy Lacson.
Sa post nga na larawan ni Jodi sa kanyang IG eh kita na may abs na ito at hunky-hunky na ang peg
Proud naman si Jodi at magbibinata na ang kanyang anak.
Kung dati nga raw eh karga-karga lang nito ang anak, ngayon ay malaki pa ito sa kanya.
Naghahanda na nga raw si Jodi sa pagbibinata ng anak sa kabila na hunky body na ito na turning 15 pa lang sa December eh mananatili raw na baby boy niya si Thirdy.
Kung disiplina ang pag-uusapan eh napalaki raw ni Jodi na may disiplina ang anak.
Pero ayaw naman nito na pagkakita sa kanya eh may takot ang anak at puwede raw niyang maging kaibigan ito kahit nanay pa siya nito.
Binuking ni Jodi ang grabeng pagkahilig ng anak sa work out kaya naka-achieve na ito ng abs.
Well, well, well…’Yun na! (Jovi Lloza)