Advertisers

Advertisers

Higit P.3m shabu nasamsam sa buy-bust operation

0 252

Advertisers

HIGIT sa P.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya matapos madakip ang isang drug suspect kamakalawa sa Makati City.
Kinilala ang naaresto na si John Paul Matela “Jun”, 32, at residente ng sa #3385 A. Mabini Street, Brgy. Poblacion ng nabanggit na siyudad.
Ayon sa report, 2:15 ng hapon ng madakip ang suspek sa panulukan ng Gil Puyat at Makati Avenue, Barangay Poblacion, Makati City.
Sa ikinasang buy-bust operation ng operatiba ng Makati City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Intelligence Section laban sa suspek.
Isang pulis ang nagpanggap na bumili ng shabu gamit ang marked money na halagang P1,000.00.
Nang magpositibo, dito na dinakma ng mga pulis ang suspek at nakumpiska mula dito ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P350,000.00.
Ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 & 11, Article II ng RA 9165. (Gaynor Bonilla)