Advertisers

Advertisers

Extension ng MECQ sa NCR at karatig lugar, malabo – Roque

0 282

Advertisers

Malabong palawigin pa ng pamahalaan ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR) at mga karatig-lalawigan.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi pabor ang Pamahalaan na i-extend pa ang MECQ sa NCR, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal.
Ang pahayag na ito ng Malacañang ay kasunod ng nakatakdang anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa ipapairal na panibagong quarantine status sa Agosto 19.
Gayunman, posibleng magbago ang posisyong ito ng Malacañang sakaling maglaan ng pondo ang Kongreso para ayudahan ang mga apektadong sektor at taumbayan sa oras na ilagay sa mas mahabang lockdown ang mga naturang piling lugar sa bansa.
Sinabi pa ni Roque na maging ang Pangulo ay nagsabing hindi na kakayanin ng gobyerno na magpatupad ng panibagong lockdown dahil sa kakulangan ng pondo. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez/Jonah Mallari)