Advertisers

Advertisers

BFAR sa publiko: Maging metikuluso sa preparation mga nabibiling produkto

0 251

Advertisers

Hinimok ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko na maging metikuluso sa mga nabibiling pagkain o produkto para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ito’y kasunod ng napaulat na natuklasang Coronavirus sa pinagbalutan o packaging ng imported seafood na ibinagsak sa pantalan ng Yantai City sa China.
Panawagan ng BFAR sa lahat na dapat sumunod sa mga ipinalabas na guidelines ng Department of Health (DOH) pagdating sa food preparation sa kalagitaan ng global pandemic.
Giit pa ng BFAR lahat ng mga nabiling food items sa merkado ay dapat na-disinfect ng alcohol o 5% bleach solution.
Dagdag pa ng BFAR na gayundin ang mga sariwang pagkain gaya ng gulay, prutas at karne ay kinakailangan linisin ng mabuti bago ilagay sa sisidlan o storage area. (Josephine Patricio)