Advertisers
KULONG ang 64-anyos na lalaki nang ireklamo ng kanyang manugang dahil sa panghihipo sa maselang bahagi ng katawan.
Kinilala ng suspek an si Dioscoro Maniclang y Lacsina, may-asawa,karapintero at nakatira sa 1858 Oro B. St., Sta Ana, Maynila.
Sa reklamo ng biktimang si Joemaila Mabalon, 26, secretary, nasa loob sila ng bahay ng kanyang father-in-law nang hipuan ang kanyang ari at puwet at inalok ng sex .
Ayon kay Mabalon, madalas siyang inaalok ng suspek na makipag-sex mula nang makulong ang kanyang Mister.
Dahil dito, nagreklamo na ang biktima sa Womens Children Protection Section ng MPD-Sta. Ana Station kaya naaresto ang suspek.
Sasampahan si Lacsina ng Acts of Lasciviousness.(Jocelyn Domenden/Andi Garcia)