Advertisers
PATAY ang tatlong katao na pawang mga tulak sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa lungsod ng Bacoor at bayan ng Alfonso sa lalawigan ng Cavite.
Kinilala ang 2 nasawi na sina Jonathan Catubay @ Tantan; at alias Nelson sa Brgy. San Nicolas 1.
Sa ulat, nakipagbarilan ang 2 suspek sa mga otoridad ng Bacoor habang isinasagawa ang drug buy bust.
Patay din ang 52-anyos na tulak na nakipaghabulan at nakipagpalitan din ng putok sa grupo ng Intel operatives ng Alfonso Cavite Huwebes ng madaling araw.
Kinilala ang nasawi na si Ricardo Alano, alias Ding, 52, residente ng Brgy. H2 Dasmariñas .
Sa ulat, nakatakas ang isa sa kasama ni Alano na sakay ng itim na Toyota Sedan.(Irene Gascon)