Advertisers

Advertisers

Siklista ibinaba ang facemask para uminom ng tubig hinuli, multa ng P1K

Parang kriminal ang turing

0 270

Advertisers

INARESTO ng pulisya ang isang lalaking nagbibisikleta sa Marikina City dahil umano sa hindi tamang pagsusuot ng facemask.
Paliwanag ng siklista, ibinaba niya ang facemask dahil iinom siya ng tubig.
Ikinuwento ni Michael Manalaysay na nitong Sabado, Agosto 8, pansamantala siyang huminto sa isang gilid para makapagpahinga sandali at uminom nang madatnan ng mga awtoridad.
Nagbibiskleta si Manalaysay mula Montalban, Rizal hanggang Mandaluyong City upang makapasok lamang sa trabaho.
“Nagpahinga lang ako dahil ang layo ng bina-bike ko Bigla ako hinuli ng mga pulis ng walang warning,” ayon kay Manalaysay.
Isinakay siya sa police mobile at dinala sa headquarters kungsaan siya kinunan ng mugshot. Pinagmulta rin siya ng P1,000 dahil raw sa paglabag sa quarantine protocol.
“Para akong holdaper o rapist na pinikturan na may hawak na karatula. Feeling ko sobrang laki ng kaso. Binaba ko lang facemask ko para uminom,” giit pa ni Manalaysay.
Panawagan niya sa mga kinauukulan, sana raw maging patas sila at huwag pairalin ang pagiging gahaman ngayong panahon ng pandemya. “Magtulungan tayo, hindi ‘yung manggugulang ng tao. At ‘yung P1k na hiningi niyo sa akin, mahirap hanapin ‘yan lalo na’t walang-wala kami ngayon. Pang bigas na rin ‘yang P1k na ‘yan,” dagdag ng siklista.
Wala pang inilalabas na pahayag ang Marikina Police hinggil sa insidente.
Sa ilalim ng Ordinance No. 47, mandatory ang pagsusuot ng facemask tuwing lumalabas ng bahay o pupunta sa pampublikong siguro. Papatawan naman ng kaukulang parusa ang sinumang lalabag dito.(Gaynor Bonilla)