Advertisers
ARESTADO ang dalawang drug suspects at nakuha sa mga ito ang shabu na nagkakahalaga ng P3.5 million sa buy-bust operation ng mga pulis sa Makati City nitong Miyerkoles.
Kinilala ang mga naaresto na sina Tristan Jay Ocfemia “alias Yeye”, at Oliver Rogelio Benitez, kapwa nasa hustong gulang.
Sa report, 3:30 ng hapon nang madakip ang mga suspek ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement (PDEA) at Makati City Police sa parking lot ng Jollibee sa A.P. Avenue, Brgy. Tejeros ng nabanggit na siyudad, matapos makatanggap ng tip ang mga pulis hinggil sa drug transaction ng mga suspek.
Nakumpiska mula sa mga ito ang 500 gramong shabu na nagkakahalaga ng P3.5 million.(Gaynor Bonilla)