Advertisers

Advertisers

NBA: Raptors nasilat ang Sixers

0 253

Advertisers

BINASAG ng basket ni Stanley Johnson ang deadlock sa nala­labing 4.9 segundo ­upang ibigay sa ­Toronto Raptors ang 125-121 paghahari kontra Philadelphia 76ers kahapon sa Lake ­Buena Vista, Florida.
Nagsanib-puwersa para sa Raptors sina Kyle Lowry at Chris Boucher na kapwa ­pumoste ng tig-19 points.
May 17 puntos naman si Norman Powell, at nagtapos na may 15 si Pascal Siakam.
Bunsod nito, inilista ng defending NBA champions ikatlong sunod na panalo sa loob ng Walt Disney World campus.
Handa na rin daw ang Raptors sa kani­lang first-round series kontra sa No. 7 na Brooklyn Nets.
Tumabo ng 22 points si Tobias Harris para sa panig ng 76ers, na kinandado na ang No. 6 seed sa Eastern Conference upang makasagupa ang Boston Celtics sa kanilang first-round matchup.
Ang susunod na makakasagupa ng Raptors ay ang Denver sa Sabado, ­habang ang 76ers ay ang Houston.