Advertisers

Advertisers

LGUs KULANG SA POLICY AYON KAY SEN. GORDON!

0 313

Advertisers

Kamakailan ay pinuna ni PHILIPPINE RED CROSS CHAIRMAN, SENATOR RICHARD GORDON ang kakulangan sa polisiya ng local government sa aspeto ng COVID-19 na isang NURSE ang pinalayas sa kaniyang boarding house matapos itong nagpositibo sa naturang virus.

“Ito ay istorya ng discrimination. Wag nyong gagawin ito sa kapwa natin Pilipino. Lahat ng tao dapat tinutulungan natin. Mukhang mali ang polisiya ng gobyerno. Isang nurse na magagamit natin sa paglaban sa COVID, lumalabas na walang policy ang gobyerno. Di nate-train ang barangay para alam nila kung ano ang gagawin pag may ganiyang kaso,” pahayag ni GORDON patungkol sa inasistehan nilang NURSE na pinalayas sa boarding house at naging gala na lamang ito sa mga kalye sa MAKATI CITY kamakailan.

Ang naturang NURSE ay isang CUSTOMER CARE REPRESENTATIVE NURSE sa isang HEALTH MAINTENANCE ORGANIZATION na pinalayas ng kaniyang landlady dahil nagpositibo ang una sa COVID-19.



Ipinunto ni GORDON na mayroong mga pasilidad ang local government units na maaaring pagdalhan ng mga residenteng magpopositibo sa virus at ang mga nasa barangay level ay dapat na nati-train para sa “proper protocols for the procedure”.

“Kaya may isolation ward tayong ginagawa. Di naman natin puwede ikalat ang mga tulad ni GEM (ang Nurse) sa kalye. Yung mga landlady, hindi sila dapat magpaalis ng tao,” saad ni GORDON.

Sadyang kaawa-awa ang tulad sa sinapit ng nasabing NURSE na basta na lamang pinalayas.., pero, ang dapat na unang rumesponde sa NURSE ay ang kaniyang pinagtatrabahuan dahil siguradong ang NURSE ay nai-share nito sa kaniyang mga katrabaho ang sinapit niyang pagkakapalayas sa boarding house.

Kaya naman, bukod sa malasakit dapat ng gobyerno ay kailangan din naman na ang mga kompanyang pinagtatrabahuan ang isa sa dapat na magmalasakit sa kanilang mga empleyado lalo na ngayong panahon ng PANDEMIC!

PAGING SEN. GORDON.., dapat na sigurong imbestigahan ang lahat ng mga ospital kung tunay nga bang namatay ang ilang pasyente sa COVID-19 o sadyang pineke ang mga inilalagay sa death certificate.



May ilang mga impormasyon na kahit hindi COVID-19 ang ikinamatay ay idinideklarang sa naturang virus ang naging sanhi sa ikinamatay ng pasyente.., dahil ang ilang hospital daw ay nakakapag-claim sa PHILHEALTH ng halagang mula P43,000 hanggang P750,000 bawat pasyente…, naku e matinding kutsabahan na naman ito ng kurapsiyon na dapat ay matuldukan!
***

WALANG FACE-TO-FACE CLASSES!

Mariing ipinunto kahapon ni DEPARTMENT OF EDUCATION SECRETARY LEONOR BRIONES na walang FACE-TO-FACE CLASSES na magaganap hanggang wala pang bakuna laban sa COVID-19 bilang pagsunod sa naging pahayag ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE na hangga’t walang bakuna ay walang.magaganap na klase sa mga paaralan.

Kaya naman, ang.magiging sistema ngayon sa pag-aaral ng.nga estudyante ay sa pamamagitan ng internet gamit ang laptop o computer.., na siguradong mahaharap sa matinding problema ang lahat ng mag-aaral kapag hindi naisaayos ang sistema ng komunikasyon at magsasabaysabay sa paggamit ng internet ang sektor ng edukasyon.

Sa BROADCASTERS FORUM ONLINE kamakalawa na ang mga mediator ay sina NATIONAL PRESS CLUB PRESIDENT ROLANDO “LAKAY” GONZALO at MIKE ABE ay naihayag ng kanilang guest na si MANILA PUBLIC SCHOOL TEACHERS ASSOCIATION PARTYLIST REP. VIRGILIO LACSON na isang sistemang maaaring gamitin ay ang telebisyon at radyo.., na maaari raw rentahan halimbawa ng gobyerno ang mga kagamitan o pasilidad halimbawa ng nasarang Channel 2.

Sa nasabing ONLINE habang tinatalakay ang kakaharaping sistema ng edukasyon ay mismong sa nasabing ONLINE FORUM ay dumanas na ng problema dahil may mga pagkakataon na nawawala ang audio ng nagsasalita.., kaya siguradong higit na kalbaryo ang dadanasin kapag nagkasabaysabay ang paggamit ng internet ng mga mag-aaral.., kayanin kaya ng server ang komunikasyon?

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.